Ang tao, nagbabago at napapagod rin lalo na pag paulit-ulit yung nangyayare. Kahit gaano ka pa ka-sigurado sa posisyon mo sa kanya, pag bigla syang nakaramdam ng kawalan ng pagpapahalaga, KAHIT ISA KA PA SA PINAKAMAHALAGANG TAO SA BUHAY NIYA, magagawa ka nyang tiisin para malaman mong IBA PALA ANG BUHAY KAPAG WALA SIYA?
May mga bagay pala na kahit gusto mong hawakan ng pang habang-buhay hindi talaga magaganap.Dahil balibaliktarin mo man, para parin kayong naglalaro ng taguan.
Masakit tanggapin na kahit anong gawin niya magpapadaya ka at ikaw parin ang taya.
Taguan sa loob ng masukal na gubat na tanging ang buwan ang ningas.
Ningas ito ng pagasa na baka sa di inaasahang pagkakataon makita mo siya at aakuin na niya ang paghabol sa puso mong tanga.
Mangyare kaya ito? o sarili mo lang ang pinapaniwala mong MAHAL ka niya at hindi lang dahil KAILANGAN ka niya.
Masakit tanggapin ang katotohanan pero lulunukin mo yun wag lang siya maglaho at umalis ng tuluyan.
GALIT at PAGMAMAHAL
DUSA makapiling lang siya.
Mangangarap ka na lang na sana iparamdam niya sa'yo
BAKIT HINDI KA PARA SA IBA KUNDI KANYA LANG ..

I agree with you. Just be strong he will realize someday what you really worth.
ReplyDeletewe won't be needing him anyway. by the time he get's to that realization, for sure he's half-past dead. I appreciate the encouragement, but some people is not worthy of another chance, it's already their choice to grab one and put a heart on it.
ReplyDelete